Governor's Possession (Savage Men Series)
Ameiry Savar
Genre: Dark Romance
Chapter lists:
- Chapters 1 to 10
- Chapters 11 to 20
- Chapters 21 to 30
- Chapters 31 to 40
- Chapters 41 to 50
- Chapters 51 to 60
- Chapters 61 to Epilogue
Tags: Politics, Abused, Kidnapped, Force Love, Erotica
Language: Tagalog
Blurb:
Tahimik na gumagawa ng proyekto nila sa kanilang eskwelahan si Jane at ang kaniyang mga kasama noong bigla siyang may narinig na sigawan. Dahil sa kuryusidad ay napasilip siya sa bintana at doon nakita niya ang isang lalaki na pinatay ng mga hindi kilalang kalalakihan. Noong sumunod na araw ay nakilala niya si Rodrigo Navarro. Ang pinaka makapangyarihang tao sa kanilang lugar. Ang taong magpapabago ng tahimihik niyang buhay.
Hanggang kailan kaya niya maitatago ang pag-aari ng binata kung maging siya ay inaangkin na nito?
Chapter 1: Mga sigaw
“Hoy, ano’ng nangyari sa ‘yo?” puno nang pagtatakang tanong ni Lana sa akin.
“Bakit mo sinungitan yung dalawa?”
Hindi ko siya sinagot. Kunyari ay wala akong narinig habang inilalabas ko ang mga damit ko mula sa maleta ko. Nasa loob na kami ng kwarto namin at sa sobrang kamalasan ko pa ay katapat ng kwarto namin ang kwarto nila Lawrence. Katatapos lang kasi i-announce sa amin ang pagbabago sa dorm namin.
Bakit ba kasi ganon? Bakit na isip pa ng dean ‘yon? Hindi ba niya alam na hindi tama na pinagtatabi ang mga kwarto ng babae’t lalake?
Naka-move on na ako kay Lawrence. Kaso, ewan ko. Hindi mawala yung guilt na nararamdaman ko. Alam kong matagal na ‘yon. Diyos ko! Five years na ang nakalipas! Siguro naman ay napatawad na niya ako, ‘di ba?
“Jane!” tawag ulit sa akin ni Lana.
Pagtingin ko sa kanya ay nakatayo na pala siya sa tabi ko at nakapamaywang pa. Itinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya.
“Bakit ba?”
“Nakakahiya!”
“Ano’ng nakakahiya ro’n? Ayaw ko silang makausap. Kung gusto mo siyang kausapin edi pumunta ka sa kwarto nila. Pero ako? Hindi!” aniko at muling nagtanggal ng mga damit sa maleta kong nakapatong sa higaan ko.
Sakto lang ang laki ng kwarto namin at may sarili na kaming cr na nakapwesto sa tabi ng pinto. May tig-isang maliit na papag at cabinet. Parehas kaming kaunti lang ang dalang gamit kaya madali lang mag-ayos.
“Jane naman!” Umupo si Lana sa isang upuan sa may study table namin. “Akala ko ba naka-move on ka na sa tao? Bakit parang ano ka ngayon?”
Bumuntonghininga ako. “Basta! Mag-ayos ka na nga lang diyan,” inis na sabi ko.
Siguro kung ibang tao si Lana ay nainis na agad sa pagsusungit ko sa kanya. Pero hindi ibang tao si Lana. Sanay na sanay na kami sa ugali ng isa’t isa. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging kaibigan dahil masyado siyang outgoing. Ako? Mas gusto kong mag-isa at h’wag kumausap ng mga tao.
Dahil magkaklase lang kami ni Lawrence ay hindi pa rin naiwasan na magkausap kami.
Nalaman ko na nagkataon lang daw na nagkatagpo kami sa school. Noong umalis daw kasi ako ay nag-transfer din siya sa ibang lugar para doon ipagpatuloy ang kolehiyo. At naisipang mag-transfer ulit dito sa probinsya. Hindi naman niya inakala na narito rin daw ako. Nagkaayos din kami matapos nang pag-uusap naming. Nasaktan daw siya pero naisip niya na masyado pa kaming mga bata noon. Tama lang daw na iniwan ko siya dahil natauhan siya.
Sa ngayon ay nagpatuloy ang pagiging magkakaibigan naming apat. Madalas sa mga proyekto o activities ay magkakasama kami. Palagi rin kaming sabay sa pagkain. Masasabi ko na bumalik ang dati naming grupo.
“Ano ba ‘yan, Carlo?! Ayusin mo na kasi!” saway ni Lana kay Carlo.
Kasalukuyan kaming gumagawa ng report namin sa kwarto namin. Sina Lana at Carlo ang nagsusulat sa manila paper. Si Lawrence ang nagre-research sa internet. Ako naman ay nasa higaan ko at gumagawa ng mga tanong namin.
“Ayos naman, ah? Lagyan natin ng smiley para matuwa si Ma'am sa atin.” Ngumisi si Carlo at pinagpatuloy ang pagsusulat sa manila paper.
“Carlo, h'wag mo ngang ini-stress niyan ni Lana. Hindi ka sasagutin niyan sige,” biro ni Lawrence.
“Eww!”
“Ano?!” magkasabay na sabi nilang dalawa.
Lalo akong natawa dahil nanlaki ang butas ng ilong ni Carlo. Lumapit pa ito kay Lawrence para paluin ang tuhod nito. Tumawa lang si Lawrence habang tinutulak si Carlo.
“Tama na nga 'yan at tapusin na natin 'to. Inaantok na ako,” saway ko sa kanila.
“Ito kasing si Carlo eh!”
“Parang-awa niyo na po!”
Natigilan ako noong may narinig akong isa pang boses na sumabay sa pagsasalita ni Lana. Napatingin ako sa binata namin na bahagyang nakabukas. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon.
“Ayusin mo na kasi!”
“May narinig ba kayo?” tanong ko. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at yellow pad saka bahagyang lumapit sa may bintana.
“Ano 'yon, Jane?” nagtatakang tanong ni Lawrence. Sumenyas ako na tumahimik sila at nakiramdam.
“Hayop ka!”
Parang may sumuntok sa dibdib ko noong lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mahina ang boses. Napakahina. Pero malinaw kong naririnig at mababakas doon ang matinding takot. Wala sa sarili na napatayo ako at lumapit sa bintana.
“Jane, bakit?”
Sinenyasan ko silang h’wag mag-ingay. May naririnig akong mga ungol na para bang nasasaktan. Pagsilip ko sa bintana ay madilim ang labas. Iyong bintana ay sliding na gawa sa salamin. May makapal na kurtina ang nakatakip doon para hindi kami kita sa loob. Bukas ang kalahati niyon kaya siguro may naririnig ako sa labas.
Lalo akong kinabahan noong hinawakan ko na ang kurtina at bahagyang sumilip doon.
Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang ilang tao sa may 'di kalayuan. Hindi ko mabilang kung ilan dahil madilim talaga ang paligid. Tapos matataas na ang mga damo dahil bakanteng lote iyon. Siguro kung wala kami sa fourth floor ay 'di ko makikita ang mga ito.
Napatitig ako sa iniilawan nila. May lalakeng nakaluhod at nakagapos ang mga kamay patalikod. Mayroon siyang piring. Ilang sandali pa ay halos mapalundag ako noong makita kong may lumiwanag pa na nakatutok sa lalake at bumagsak ito. Nabitawan ko ang kurtina at napalayo ako sa bintana.
“Jane?”
Agad akong napaiwas noong may maramdaman akong humawak sa balikat ko. Pagtingin ko ay si Lawrence iyon na labis na nag-aalala.
“Ayos ka lang ba? Ano 'yon?”
“Ha?”
“Jane. Namumutla ka? Ano 'yon?” tanong naman ni Lana. Akma itong lalapit ng bintana pero mabilis kong iniharang ang sarili ko sa bintana.
“Wala! Wala.”
Tumalikod ako sa kanila at huminga nang malalim. May pinatay! Pinatay nila yung lalake! Pinilit kong ikalma ang sarili kahit na ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko. Habang hindi pa nila binubuksan ang kurtina ay isinara ko ang bintana at ini-lock iyon. Noong muli akong lumingon sa kanila ay tatlo na silang nakatingin sa akin na puno ng pag-aalala.
“Alam niyo, bukas na lang natin 'to gawin. Biglang sumama ang pakiramdam ko eh.”
Pinilit kong ngumiti sa kanila.
“Ano'ng masakit sa 'yo? Kailangan mo ba ng gamot? Teka. Bibili ako.” Tumalikod si Lawrence at akma nang lalabas ng kwarto. Pero hinawakan ko agad ang damit niya sa may likuran upang hindi siya makapaglakad.
“Hindi na! Sige na. Gusto ko na matulog. Magpahinga na tayo.”
Hindi pa sila naniwala sa akin na kailangan ko lang matulog para maging maayos. Pero kalaunan ay nakinig din sila. Lalo na noong may narinig kaming nagsisigwan sa labas ng kwarto namin. Kinakabahan pa ako dahil akala ko nakita ako noong mga tao sa ibaba. Pero may nag-aaway lang pa lang magkasintahan.
Noong makapagligpit kami ay nahiga na rin kami agad. Ako naman ay hindi agad dinalaw ng antok.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita! May pinatay sila sa likod ng dorm namin! Sino naman ang gagawa no'n? Bakit sa likod pa ng building namin? At higit sa lahat, bakit nila pinatay?!
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Pero buong gabi ay hindi na nawala ang takot ko dahil sa nakita ko.
Kinabukasan. Paggising na paggising ko ay sumilip ako kaagad sa bintana. Wala na akong nakitang mga tao pero may nakita akong parte na tumba na ang mga nagtataasang mga damo. Hindi ko na lang sana papansinin iyon pero hanggang sa makapasok na lang kami ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko na gusto kong puntahan iyon. Parang may kung anong tumatawag sa akin na silipin ang pinangyarihan.
Kaya heto ako, nagpaalam ako sa third subject namin ngayong araw para lang pumunta rito sa likod. Halos lahat sa amin ay may pasok kaya sigurado ako na walang mga tao sa mga kwarto ngayon. Kabadong-kabado pa ako habang hinahawi ang mga damo habang naglalakad ako.
Sana naman walang makakita sa akin.
Makalipas ang ilang sandali ay natunton ko rin ang mga natumbang mga damo. Muli akong binundol ng kaba noong makita ko ang pulang likido na basa pa. Sariwang-sariwa pa ang dugo- ibig sabihin ay hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Nakagat ko ang aking labi habang nakatitig doon.
Kung sino ka man, bakit ka kaya nila pinatay? At bakit parang wala manlang ibang nakakita sa nangyari?
Tumingin ako sa building namin. Hindi masyadong malayo ang pinangyarihan. Kung ako na nasa fourth floor ay nakita at narinig ko iyon, siguro naman ang mga nasa first floor ay gano'n din. Sila kasi ang malapit. Pero bakit parang wala akong narinig na usapan kanina. Imposible na hindi magtanong ang mga estyudante dahil sa sigawan.
Napabuntonghininga ako at muling tumingin sa dugo. Ano ba ang ginagawa ko rito? May pinatay. Ibig sabihin may panganib. Bakit ba nangingialam pa ako?
Tumalikod na ako at akma nang maglalakad. Pero napatigil ako noong maalala ko ang isang nakaumbok na bagay sa gitna ng maraming dugo. Muli akong tumingin doon at tinitigan iyon. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Noong may nakita akong stick ay kinuha ko iyon at dinutdot ang nakaumbok sa gitna ng dugo. Napakunot ang noo ko noong may maramdaman akong matigas na bagay. Gamit ang stick na hawak ko ay hinila ko ang bagay na iyon sa parte kung saan walang dugo. Kinuha ko ang panyo ko at pinantakip iyon sa kamay ko para makuha ang bagay na iyon.
“Wallet?” aniko noong mapunasan ko iyon.
Coin purse pala iyon. Napakaliit lang niyon at pula rin ang kulay kaya hindi agad mapapansin. Muli kong tiningnan ang dugo. Pagkatapos ay ang wallet naman ang tinitigan ko.
Ano kaya ito?
Whole story:
Please click this link to continue reading: Governor's Possession:


